TV

EXCLUSIVE: Gelo Alagban, aminadong nahirapan mag-adjust sa 'StarStruck'

By Aedrianne Acar

Isa sa promising talents sa bagong StarStruck ang Ilonggo cutie na si Gelo Alagban.

One step closer na ang guwapong binata na makamit ang title na Ultimate Male Survivor matapos itong mapasama sa StarStruck Final 14.

Sa exclusive chat ng GMANetwork.com kay Gelo, umamin ang probinsyano cutie na hindi madali ang adjustment nang sumali siya sa StarStruck.

Kuwento niya, “Actually po, 'yung adjustment hindi siya ganun kadali.

“Kasi, ako po ay isang Ilonggo and ayun po minsan po may mga punto din po yung pananalita.

“Pero sa pakikipag-usap ko sa mga kasama ko rin ngayon, unti-unti din siyang nawawala.”


Kailangan din daw ng disiplina sa buong competition lalo na pagdating sa pagsunod sa call time.

Wika ni Gelo, “And when it comes to call time po, talagang discipline po 'yung kailangan,”

Labis din ang tuwa ng StarStruck hopeful nang piliin siya ng council members na sina Cherie Gil, Heart Evangelista, at Jose Manalo na mapabilang sa Final 14 sa ilang libong tao na nag-audition.

“Yung reaction ko po, sobrang natuwa po ako like, hindi ko ma-imagine na makakaabot ako sa ganitong stage na sa dinami-daming nag-audition.”

“Sa ilang callbacks na dumaan talagang binigay ito sa akin. Inalaan din po [ito] ng Panginoon.”

Saan naman kaya si Gelo Alagban humuhugot ng motivation para ibigay ang best niya?

“Yung motivation or nag-push po sa akin 'yung mga taong nilo-look up ako. Kasi ako rin mismo, may inspirasyon din po ako na artista na talagang nag-push sa akin sa industry na ito.”

“Iba talaga kapag nakaka-inspire ka ng mga tao.”