TV

EXCLUSIVE: Angelic Guzman, gustong patunayan ang sarili sa 'StarStruck'

By Maine Aquino

Ngayong pasok na sa Final 14 si Angelic Guzman, ipo-prove niya hindi lamang sa mga manonood kundi pati rin sa kanyang sarili na karapat-dapat siyang maging bahagi ng StarStruck season 7.

Saad ni Angelic, "Mas lalo ko pa pong ipapa-prove sa mga tao na dina-doubt ako na I am still deserving for my spot."

Dagdag pa ng StarStruck hopeful, pagbubutihan niya ang bawat performance na ipakikita niya.

"I will do whatever it takes kahit wala po akong gaanong training.

“Gagawin ko po ang lahat para po mas maging better sa next performance ko."

IN PHOTOS: StarStruck's road to Final 14

Kuwento rin ni Angelic na ikinagulat niya ang suportang natatanggap niya dahil kailan lamang sila ipinakilala sa publiko.

"'Yung totoo po, hindi ko po ine-expect na may magsusuporta sa akin.

“Sa aming lahat po, ako po yung may pinaka-low po na experience kasi this is my first time to audition."

Ngayong patindi na nang patindi ang laban sa StarStruck, huhugot si Angelic ng lakas sa kanyang pamilya.

Lalabanan niya rin umano ang pag-aalangan sa kanyang sarili.

"Huhugot po ako ng lakas sa family ko po. Also po kakalabanin ko rin po yung self ko na wag i-doubt yung sarili ko.

“And I will focus to love myself more. Kasi, medyo kulang po ako doon pero I know po na may edge po ako.

“I made it here even though it's my first time."




Subaybayan ang artista journey ni Angelic sa Inside StarStruck tuwing Monday to Friday at 6:00 p.m.

Panoorin ang StarStruck tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA Network.