TV

EXCLUSIVE: Ella Cristofani, gustong maging kasing professional ni Cherie Gil

By Maine Aquino

Punung-puno ng pasasalamat ang isa sa Final 14 hopefuls na si Ella Cristofani sa kanyang narating sa StarStruck season 7.

Ella Cristofani

Kuwento ni Ella, "I'm very, very happy. Sobrang grabe, nakakaiyak.

“Sa totoo lang, super fun, it's such a fun ride.

“Parang hindi ko iniisip 'yung pagod or what. Para sa akin, worth it na nandito na ako. I did everything with all my heart.

Nangangako naman si Ella na gagawin niya ang kanyang best sa lahat ng artista tests na ibibigay sa kanila.

"I want to give my 100 percent in everything that I do.”

StarStruck: Simula na ng artista tests | Teaser

Ibinahagi rin ni Ella na kinatatakutan niyang judge ay si Cherie Gil.

Pero si Cherie umano ang judge na pinakagusto niyang ma-impress sa kanya.

"Takot po ako kay Ms. Cherie Gil,” aniya.

“I want to impress her po kasi I know na she's hard to impress.

“Siguro malalaman ko po na nag-improve ako once na na-impress ko na siya."

StarStruck: Ella Cristofani | Final Audition

Dagdag pa ni Ella ay nais niyang maging kasinghusay ni Cherie pagdating sa pag-arte. Hinahangaan niya rin pati ang professionalism ng StarStruck judge.

"I really look up to her po talaga.

“Isa po siya na person you look up to when it comes to show business kasi sobrang professional po niya. Work is work.

“I want to be just like her. Gusto ko maging as professional as her.

“Alam ko hindi po ako makakapunta sa level niya pero I want to be like her someday."

READ: Cherie Gil prefers mano over beso, "Don't kiss if you don't do it naturally."

Cherie Gil, ibinahagi ang kuwento ng linyang "Don't Call Me Tita" sa teaser ng 'StarStruck'