TV

WATCH: Maynard Fullido, Radson Flores, at Marc David babawi sa second chance challenge ng 'StarStruck'

By Maine Aquino

Babawi ang eliminated boys ng StarStruck season 7 para muling makapasok sa Final 14.

Maynard Fullido, Radson Flores, at Marc David babawi

Sina Maynard Fullido, Radson Flores, at Marc David ang sasabak sa second chance challenge this week para patunayan na nararapat sila na maging parte ng Final 14.

WATCH: Cherie Gil, naiyak sa second chance na ibinigay ng 'StarStruck'


Ayon kay Maynard, gagawin niyang guide ang comments na natanggap niya noon mula sa council. "Gagawin ko po 'yung best ko. Hindi ko po gagawin 'yung mga mali ko po na nagawa dati. Gusto ko po itama 'yun lahat... Uhaw po kami na makapasok sa Top 14 na 'yun... Pangarap po namin 'to, hindi na po namin sasayangin itong second chance na ito."

Si Radson naman ay inihalintulad ang kanyang sarili sa isang phoenix sa pagbabalik sa StarStruck.

"I didn't feel anything na negative when I lost, I am going to use my loss as a rope to pull me back again and I felt like a phoenix rising through its ashes just being reborn kasi 'yung mistakes, my mistakes before, I wouldn't call it mistakes because mistakes won't harm you. It's how you react to them, and I'm going to react thirstier than ever."

Kuwento naman ni Marc ay lalo niyang ipapakita ang kanyang kakayahan para sa second chance challenge.

"Mas magiging open ako sa criticisms, sa mga kailangan kong trabahuhin so I can actually work on myself. Tsaka parang sa akin kasi the only move left is forward, lahat paabante kaya wala ng choice mag-back down or maging mediocre. I'll just promise to do my best. Better than my best before."

Panoorin sila sa Inside StarStruck: