TV

Double elimination weekend na ng 'StarStruck' season 7 | Teaser Ep. 7

By Maine Aquino

Ngayong July 6 at 7 ay mapapanood na ang double elimination ng Final 14.


Magpapakitang gilas muli ang Final 14 sa council para patunayang nararapat silang manatili sa StarStruck. Masasaksihan na rin kung sino sa mga second chance takers ang papalit sa isang male at female hopeful na matatanggal.

Abangan ang exciting na double elimination na ito ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.