TV

WATCH: Nakapag-ayos na ba sina Rere Madrid at Lexi Gonzales pagkatapos ng controversial voting sa 'StarStruck'?

By Maine Aquino

Last Sunday, July 14, may controversial na laglagan na naganap sa StarStruck female artista hopefuls.

Lexi Gonzales at Rere Madrid

Nagkaroon ng botohan kung sino ang mga gusto nilang matanggal sa competition, at dito lumabas ang iba't ibang issues na ikinagulat ng mga manonood.

Si Lexi Gonzales ay ibinoto si Rere Madrid na matanggal sa kompetisyon dahil umano sa pagiging backstabber. Kuwento ni Lexi sa Inside StarStruck, ito ay dahil sa ilang mga pangyayari sa competition. Inamin niya rin na harsh ang napili niyang salita para itawag kay Rere.

"Talagang friends kami before. We were really super close. Tapos nagulat ako na she was saying stuff behind my back that were not really that nice. It was such a harsh word, I know."

StarStruck: Rere Madrid, nasaktan nang malamang gusto siyang matanggal ng ibang Top 14 Hopefuls

Kahit na nasaktan umano si Lexi, ibubuhos na lang umano niya ang kanyang atensyon sa positibong mga bagay. Saad ng female artista hopeful, "Everything na nangyari, it's past me. Ngayon nagfo-focus ako on the positive... Na-hurt lang din kasi ako about what happened kasi I also was trying to be sincere. Tapos I heard things na may nasasabing bad about me kaya I also got hurt. Nagpadala ako sa emotions. Now, I learned."

Ibinahagi naman ni Rere na hindi pa sila nag-uusap ni Lexi at okay lang umano sa kanya ang mga nangyayari.

StarStruck: Lexi Gonzales, tinawag na backstabber si Rere Madrid!

"Hindi kami nag-usap talaga. Pero 'yun nga, wala akong kapangyarihan para mang-please ng tao. Kung 'yun po ang tingin nila sa akin, kung may meaning 'yung mga salita na sinasabi ko, or 'yung mga shini-share ko na para sa akin hindi naman issue or dapat hindi ginagawang big deal, siguro okay lang po sa akin 'yun."

Panoorin ang controversial StarStruck stories mula kay Kyline Alcantara sa Inside StarStruck.