TV

WATCH: 'StarStruck' council, pinayuhan ang Artista Hopefuls na huwag maging kampante

By Maine Aquino

Unti-unti nang nababawasan ang mga Artista Hopefuls kaya naman nagbigay ng payo ang StarStruck council ng mga dapat nilang gawin para manatili sila sa kompetisyon.


Ayon kay Cherie Gil, umaasa siya na ang mga payo na kanilang ibinibigay ay susundin ng Final 11.

"I hope 'yung mga naibigay naming feedback today will remain in their minds because we gave a lot of inputs na will allow them more freedom hopefully in their next challenge."

Dagdag pa niya ay sana maging bukas ang Artista Hopefuls sa pag-collaborate sa kanilang mga susunod na artista tests. "I hope they are freer now to nicely ask to collaborate with the director and not be limited to what's just written."

Kuwento naman ni Heart Evangelista ay hindi dapat maging kampante ang Final 11 dahil kahit silang judges ay nagugulat sa nagiging resulta sa StarStruck.

Ang resulta ng elimination ay combined scores ng council at ng viewers' votes.

"Lahat naman sila very talented but I suggest to really think that this is your last performance because nasha-shock rin kami. Hindi rin namin alam bigla na lang 'ito yung matatanggal."

Dahil dito ay nais ni Heart na galingan ng Artista Hopefuls ang kanilang tests para masiguradong may spot pa rin sila sa StarStruck.

Jerick Dolormente gets eliminated from 'StarStruck' | Ep. 12

Saad niya, "Do your best, don't waste any more time. Do your all because it could be your last. If you don't want it to be your last, give us what we need."

Ibinahagi ni Jose Manalo na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng nararapat na manalo sa StarStruck.

Ani Jose, "Marami talaga kaming hahanapin para sa kanila. Everytime na magkikita-kita kami mapapanood namin, may hinahanap pa rin kami e. So 'yung hinahanap, hindi 'yan matatapos hanggang hindi nasasabi kung sino 'yung panalo talaga. 'Yung winner 'yung hinahanap namin.




Dream, believe, and subscribe for more videos about the StarStruck Artista Hopefuls! Huwag ring kalimutan na iboto ang nais ninyong manatili sa StarStruck through text and online.

WATCH: How to be a 'StarStruck' judge and let your favorite survive