TV

Rere Madrid, nagpaalam na sa 'StarStruck' season 7 | Ep. 14

By Maine Aquino

Nag-final bow na ang Artista Hopeful na si Rere Madrid sa StarStruck season 7.

Sa kanilang ginawang breakup artista test, si Rere ang nakakuha ng lowest combined scores mula sa viewers at council kaya siya ay naalis sa kompetisyon nitong July 28.

Rere Madrid


Nagpasalamat si Rere sa StarStruck council na kinabibilangan nina Jose Manalo, Cherie Gil, at Heart Evangelista.

"Thank you po. 'Yun lang po talaga 'yung masasabi ko. As in thank you po sa inyo Sir Jose, Ms. Cherie Gil, Ms. Heart."

Tuluyan namang naluha si Rere nang magpaalam sa Final 10. Saad niya, "Sa inyo guys, sobrang mami-miss ko kayo. Sobra."

Dagdag pa niya ay ang pangakong hindi susuko sa pagtupad ng kanyang pangarap.

"Sa lahat ng nagtitiwala at sumusuporta sa akin, maraming salamat po. Promise ko po sa inyo, itutuloy ko po itong pangarap ko."