TV

WATCH: More ways to vote for your favorite 'StarStruck' survivor

By Maine Aquino

Mas marami nang paraan para iboto ang inyong mga favorite StarStruck survivors.

For text voting, i-send lamang ang StarStruck (space) first name of your favorite survivor sa 4627. Para sa gusto namang bumoto online, pumunta lamang sa www.gmanetwork.com/starstruckvote at sundin ang instructions para maiboto ang inyong gustong artista hopefuls.


Isa sa pinakabagong paraan ay through Google. Pumunta lamang sa www.google.com.ph at mag-log in gamit ang inyong Google account. Pagkatapos ay i-type ang starstruck vote sa search bar at automatic na lalabas ang poll.

Panoorin ang voting mechanics na ito para mas maintindihan ang iba't ibang paraan para makasali sa pagboto sa StarStruck season 7.