WATCH: Kyline Alcantara, sinorpresa ng 'StarStruck' Final 6 sa kanyang birthday
Published On: September 04, 2019, 03:25 PM
Naghanda ng isang birthday surprise ang StarStruck Final 6 para sa birthday ni Kyline Alcantara.
Sa taping ng Inside StarStruck kung saan host si Kyline ay naghanda ng sorpresa sina Kim De Leon, Abdul Raman, Allen Ansay, Pamela Prinster, Shayne Sava at Lexi Gonzales.
Akala ni Kyline ay magde-deliver lang siya ng kanyang lines nang ginulat siya ng Final 6 bitbit ang mga cakes. Panoorin ang birthday surprise for Kyline sa Inside StarStruck.