TV

WATCH: Team Shayne at Team Lexi, nagdebate kung sino ang dapat maging Ultimate Female Survivor ng 'StarStruck'

By Maine Aquino

Sino nga ba ang nararapat makakuha ng Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 7 title? Ito ang naging debate ng fans nina Lexi Gonzales at Shayne Sava sa Inside StarStruck.

Team Shayne at Team Lexi


Sa debate na ito ay ipaglalaban ng fans nina Lexi at Shayne ang kanilang mga iniidolo. Ito ay sa pamamagitan ng pagdebate tungkol sa dahilan bakit hindi dapat manalo ang kalaban ng kanilang mga pambato, ang mga katangian ng kanilang mga idolo na dapat tularan at marami pang iba.

Panoorin ang kanilang naging diskusyon sa Inside StarStruck with Kyline Alcantara.