TV

Cherie Gil feels sepanx as 'StarStruck' ends

By Nherz Almo

"Nagkaka-withdrawals nga ako. I'm gonna miss it."

Ito raw ang pakiramdam ni Cherie Gil sa pagtatapos ng StarStruck, kung saan napili siya bilang isa sa mga judge sa unang pagkakataon.

WATCH: 'StarStruck' Final 4, haharap sa huling hamon bago ang Final Judgement

Ayon kay Cherie, dahil sa StarStruck, mas nakilala niya ang mga kabataan ngayon.

"It actually opened a lot of doors for me. Parang lumawak yung paningin ko ngayon sa mga abilidad ng mga kabataan, desires and dreamsng mga kabataan," sabi ni Cherie nang makausap siya ng GMANetwork.com sa private screening ng "The Eigenmanns" episode ng documentary series na Habambuhay kagabi, September 14.

Dahil sa kanyang nakitang mga potensyal ng StarStruck hopefuls, na-inspire daw ang batikang aktres na gumawa ng paraan para magbigay ng iba pang pagkakataon para sa mga kabataan na gusto ring maging artista.

"Ako, una akong magpo-promote ng creative outlets for the youth.

"For me, that's done me well and to me, it saved my life in many ways.

"I've always said that living a creative life is the best life one can ever have."

Para kay Cherie, isa na rin itong paraan upang ibalik sa industriyaang mga naibigay nito sa kanyang buhay.

"I feel sad [the StarStruck is ending], but dahil dito, nabuksan ang aking paningin at responsibilidad.

"Nagkaroon ako ng inspirasyon para magbigay ng masterclass. So, kapag walang taping or anything, maybe I can teach some young kids.

"I would love to... I won't call it any other form, I'll just call it masterclass.

"After my 45 years in the business, I think I'd like to call to pay it forward."

Samantala, ngayong gabi tatanghalin ang Ultimate Female and Male Survivors ng StarStruck.

EXCLUSIVE: Heart Evangelista admits she has chosen her Ultimate Male and Female Survivors of 'StarStruck' season 7

Kung sino man kina Lexi Gonzales, Shayne Sava, Allen Ansay, at Kim de Leon ang makakuha ng mga titulong ito, nagbigay ng mahalagang paalala si StarStruck judge Cherie.

EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado, may mensahe para sa Final 4 ng 'StarStruck'

Aniya, "Doon sa mga mananalo, you guys fought hard, played hard, so you deserve to be there.

"Your lives will never be the same again.

"You're in the public eye now, so pangalagaan ninyo ang mga sarili ninyo. Maraming nangyayari ngayon, siguro medyo overwhelming sa inyong private homes and sa inyong situations at home.

"Right away, after this, masasabak na kayo, so just keep grounded and keep the faith. Always look to your Higher Power.

"And yes, it's not gonna be easy from hereon. Maraming pressure, magiging busy kayo.

"Alagaan ninyo ang inyong physical, emotional, and mental state. Just keep grounded, be real, and keep laughing."