TV

Shayne Sava at Kim De Leon on being StarStruck's Ultimate Male and Female Survivors: 'Napakalaking karangalan at responsibilidad'

By Maine Aquino

Puno ng saya at pasasalamat sina Shayne Sava at Kim De Leon nang sila ay tanghalin na Ultimate Male and Female Survivors ng StarStruck season 7.

Kuwento ni Kim, "Sobrang thankful ko po talaga. Hindi ko po mapigilan mapaiyak kanina."

Si Shayne naman ay nagpasalamat sa panginoon sa kanyang nakuhang blessing. "Blessed po, unang-una sa lahat. Salamat po kay God!"

Ang StarStruck Ultimate Male and Female Survivors ay nakakuha ng PhP one million cash, management contract worth PhP 5 million sa GMA Network, and house and lot. Ibinahagi ni Shayne ang kanyang gagawin sa mga premyong kanilang nakuha.

Saad ni Shayne, "Unang-una po savings para po sa sarili ko, para po sa family ko. 'Yung sa prizes po at sa contract sa GMA po, hindi ko po sasayangin 'yun."

Si Kim naman ay sinabing malaking responsibilidad ang kanilang haharapin ni Shayne bilang Ultimate Male and Female Survivors.

"Napakalaking karangalan po at the same time, responsibilidad ito para sa amin."

Kim de Leon and Shayne Sava are 'StarStruck' season 7 Ultimate Male and Female Survivors