TV

Ilang premyadong aktor, mapapanood sa 'Start-Up Philippines'

By EJ Chua

Sa nalalapit na pagpapalabas ng Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, isa-isa nang nakikilala ng mga Kapuso ang mga artista ng naturang serye.

Inihayag ng GMA news program na 24 Oras ngayong gabi, March 22, kung sinu-sino ang iba pang artista na gabi-gabing mapapanood sa nalalapit na pagpapalabas ng pinakaaabangang bagong serye ng GMA 7.

Ilan dito ay ang mahusay na direktor at kilalang actress na si Gina Alajar at ang Kapuso actor na si Royce Cabrera.

Sa isang segment sa 24 Oras, masayang ikinuwento ng premyadong aktres na si Gina Alajar ang kanyang magiging role sa Philippine adaptation ng Start Up.

Gagampanan ng beteranang actress/director ang role ni Mrs. Choi o ang lola na tutulong sa binansagang “good boy” sa serye.

Ikinuwento niya kay Nelson Canlas na isang challenge para sa kanya ang kanyang karakter.

“Kasi doing kontrabida roles for so long, my facial muscles ay iba na 'di ba kasi laging nakasimangot, laging galit, laging nanggigigil. While, the character of lola is gentle and understanding and madali siyang magtiwala at magmahal sa tao,” kuwento ni Gina.

Kasunod nito, ibinagi naman ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera ang excitement na kanyang nararamdaman para sa kanyang role at bagong proyekto.

Ayon kay Royce, “Sa totoo lang talaga, halo-halong emosyon kasi unang-una 'yung Start-Up talagang nag-hit 'to. Tapos, makakasama ko pa sila Bea at Alden tapos 'yung ibang cast, sila Kim Kim Domingo. Grabe sobrang privileged at thankful ako sa opportunity na ito kaya hindi ko talaga sasayangin itong opportunity na ito.”

Bukod kina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Gina Alajar, Royce Cabrera, Kim Domingo, at Boy 2 Quizon, ilan pang mahuhusay na artista ang dapat abangan sa Start-Up Philippines.

Sabay-sabay nating kilalanin ang kanilang mga karakter at abangan ang nalalapit na pagpapalabas ng 'Start-Up Philippines' sa GMA Telebabad!

Samantala, kilalanin si Gina Alajar at ang ilang veteran celebrities sa gallery na ito: