
Kasalukuyan mang abala sa kanilang taping, kapansin-pansin na nag-e-enjoy ang star-studded cast ng Start-Up Ph habang nasa set ng most-awaited drama series na malapit nang ipalabas sa Philippine television.
Sa latest TikTok video na in-upload ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi, mapapanood siyang sumasayaw kasama ang kaniyang co-stars.
Game na game na naki-TikTok kay Yasmien sina Alden Richards, Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Jackielou Blanco, Royce Cabrera, Boy 2 Quizon, Kevin Santos, at iba pang cast.
Dahil sa video na ito, tila mas na-excite pa ang netizens para sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph sa GMA Network.
Ayon sa naman sa netizen na si kennnielMC, “Hala bagay lahat ng ph cast sa original.”
Komento naman ni Stephane Godito, “Bagay talaga kay Alden 'yung role niya.”
Panoorin ang TikTok video ng Start-Up Ph cast DITO:
@yasmien_kurdi #StartUpPH cast ❤️ @GMA Network @GMA Drama ♬ Left And Right (Speed Up) - jjqrks
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 223,000 views at mahigit 10,000 likes ang video na ito.
Abangan ang Start-Up Ph, ang bagong programa ng GMA-7 na tiyak na magdadala ng kilig at inspirasyon sa mga Kapuso gabi-gabi, mapapanood na ngayong Setyembre, sa GMA Telebabad!
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: