TV

Gina Alajar, laging ganado magtrabaho sa set ng 'Start-Up Ph'

By EJ Chua

Sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph, hindi lang netizens ang excited kundi pati na rin ang buong cast ng kaabang-abang na GMA drama series.

Isa na rito ang veteran actress at director na si Gina Alajar, na makikilala bilang si Lola Ligaya “Joy” Sison sa serye. Siya ang masipag na lola nina Dani at Ina, ang mga karakter na bibigyang buhay nina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.

Sa isang panayam, masayang ibinahagi ni Gina kung ano ang nararamdaman niya tuwing nasa taping o nasa set siya ng programa.

Pagbabahagi niya, “It is a relaxed set, a set na hindi mabigat. 'Yung paggising mo sa umaga gusto mo na magpunta sa taping. Hindi 'yung paggising mo sa umaga, e, ayaw mo na, hindi ganon. Very light, very magaan, 'yun ang nararamdaman ko.”

Dagdag pa ng actress, "I'm always happy going to the set of Start-Up Ph."

Ibinahagi rin ni Gina kung sino sa cast ng serye ang kadalasang nagbibigay saya sa kanila sa set.

Kuwento niya, “Natutuwa ako kay Niño Muhlach, he is so hyper. Kahit hindi kami magkakasama sa isang eksena pero magkakasama kami sa isang location… Maingay siya na hyper siya, and nakakatuwa siya.”

Una pa nito, pinuri ni Gina ang dalawang kapwa niya ang mga kapwa direktor na sina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, na kasalukuyan niyang katrabaho sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up.

Sabi niya sa hiwalay na panayam, "Having these two directors for Start-Up [Ph], masasabi ko na, Wow! We have a show, we really have a show. It is an honor to be directed by them.”

Abangan ang Start-Up Ph, ngayong Setyembre na, sa GMA Telebabad!

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: