
Unang episode ng Start-Up PH, nakakuha ng mataas na ratings!
Nito lamang September 26, 2022, ipinalabas sa Philippine television ang pilot episode ng pinakabagong GMA drama series na Start-Up PH.
Ilang minuto matapos ang world premiere ng programa, matatandaang nanguna ito sa trending topics sa Twitter Philippines sa pamamagitan ng hashtag na #SUPHWorldPremiere.
Bukod dito, nakakuha rin ng mataas na ratings ang pilot episode ng Start-Up PH.
Sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils. TAM), nakakuha ng 9.7 percent na ratings ang bagong Kapuso program na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.
Sa pilot episode ng primetime na serye, ipinakilala ang main characters at inilahad ang kanilang mga kuwento noong sila ay mga bata pa.
Ang Start-Up PH ay ang first-ever adaptation ng 2020 breakthrough K-drama series na Start-Up.
Kasalukuyang napapanood sa Pinoy adaptation bilang lead stars sina Alden Richards at Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Napapanood si Alden bilang si Tristan “Good Boy” Hernandez (Han Ji-pyeong) na unang ginampanan ng teen actor na si Marco Masa.
Ginagampanan naman ni Bea ang role ni Danica “Dani” Sison (Seo Dal-mi) na unang binigyang buhay ni Princess Aliyah Rabara.
Si Yasmien ay kilala ngayon sa serye bilang si Katrina “Ina” Sison/Diaz (Won In-jae), ang karakter na unang ginampanan ni Dayara Shane.
Si Jeric naman ay kasalukuyang ginagampanan ang karakter ni Davidson Navarro (Nam Do-san), na unang ginampanan ng Kapuso child actor na si Seth Dela Cruz.
Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Samantala, mapapanood din ang bagong ang Start-Up PH sa GMA PinoyTV.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: