
Mga Kapuso, maaari n'yo nang subaybayan ang GMA drama series na Start-Up PH, online!
Simula mamayang gabi, October 10, maaari nang mapanood ang Philippine adaptation ng isang hit Korean series via livestream sa GMA's official Facebook page at official Youtube channel.
Kung gusto n'yo ring panoorin ang full episodes, balikan ang ilang mga eksena, at maging updated tungkol sa programa at kapuso artists na kabilang sa cast nito, maaari ninyong bisitahin ang home page ng Start-Up PH sa GMA Entertainment website.
Ang Start-Up PH ay ang first-ever adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up at ang kauna-unahang seryeng pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Napapanood din dito iba pang kabilang sa star-studded cast ng programa na sina Gabby Eigenmann, Kim Domingo, Jackielou Blanco, Ayen Munji-Laurel, Nino Muhlach, Boy 2 Quizon, Lovely Rivero, Royce Cabrera, Kevin Santos, Tim Yap, Jay Arcilla, Kaloy Tingcungco, Brianna, at actress-director na si Gina Alajar.
Marami na ang gabi-gabing nakatutok sa napakagandang istorya ng bagong Kapuso serye. Magpapahuli ka pa ba?
Bukod sa livestreaming, maaaring subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa GMA PinoyTV.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: