TV

Start-Up PH: Dreamers and pretenders | Week 4

By EJ Chua

Noong nakaraang linggo sa GMA drama series na Start-Up PH, mas naging malapit sina Dani (Bea Alonzo) at Davidson (Jeric Gonzales) sa isa't isa.

Imbes na si Tristan (Alden Richards), si Davidson ang nakasama ni Dani sa pagtupad ng birthday wishes nito.

Dahil wala siyang kaalam-alam tungkol sa mga isinulat ni Tristan noon sa letters na ipinadala kay Dani, muntik pang mabuko ang kanilang pagpapanggap.

Habang si Davidson ay nage-enjoy, si Tristan naman ay tahimik na ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan.

Gusto man niyang maging masaya sa kaniyang birthday, wala siyang nagawa dahil mas iniisip niya ang kasiyahan ni Dani.

Tristan celebrates his birthday

Kasunod ng mga kasiyahan ay nakatanggap ng good news sina Dani, Davidson, Wilson (Boy 2 Quizon), at Jefferson (Royce Cabrera).

The Sandbox passers

Matapos makapasa, laking gulat ni Dani nang makita niya ang kaniyang kapatid na si Ina (Yasmien Kurdi) sa loob mismo ng SandboxPH.

The feud of the CEO sisters

Abangan pa ang mas kapana-panabik na mga eksena sa Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.

IN PHOTOS: BEHIND THE SCENES OF START-UP PH: