TV

Yasmien Kurdi talks about what she loves about her character in 'Start-Up PH'

By EJ Chua

Isa si Yasmien Kurdi sa mga kabilang sa lead stars at star-studded cast ng Start-Up PH.

Sa isang interview, sinabi ni Yasmien na bukod sa happy at grateful siya na mapabilang sa serye, nae-enjoy din daw niya ang karakter niya rito.

Noong September 17, sa Start-Up PH Grand Event, ibinahagi ng aktres kung ano ang isa sa mga dahilan kung bakit nae-enjoy niya ang karakter niya sa ongoing GMA drama series.Insert link:

Ayon sa award-winning star, “I love playing outfits dito, kahit minsan pressured sa scenes pero, ayon unbothered queen.”

Napapanood siya sa serye habang suot ang kaniyang iba't ibang stylish outfits.

Kasalukuyang ginagampanan ni Yasmien sa Start-Up PH ang karakter na si Ina Diaz (Won In-jae), ang independent at matalinong kapatid ni Dani Sison (Bea Alonzo).

Naging magkaiba ang estado sa buhay ng magkapatid na sina Ina at Dani nang magkalayo sila matapos magdesisyon ang kanilang ina na makipaghiwalay sa kanilang ama.

Si Ina ay nagkaroon ng marangyang buhay kasama ang kaniyang ina at ang bagong pamilya nito.

Si Dani naman ay naiwan sa kaniyang lola na si Lola Joy (Gina Alajar).

Samantala, minsan ding ibinahagi ni Yasmien na fan siya ng Korean version ng serye at masaya siya dahil ang gusto niyang karakter doon ang ginagampanan niya ngayon sa Philippine adaptation nito.

Sabi niya, “Noong sinabi na I'll be playing Won In-jae na si Ina Diaz sa Philippine version, talagang tinanggap ko po agad… Na-portray ko 'yung gusto kong role sa Start-Up.”

Patuloy na subaybayan ang napakagandang kuwento ng Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Sa GTV naman, mapapanood ito mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm, at tuwing Biyernes, 11: 00 pm.

Mapapanood din ang Start-Up PH sa GMA PinoyTV.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: