TV

Hindi battered wife si Claudine - Raymart Santiago

By CHERRY SUN
 
Muling uminit ang alitan sa pagitan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto pagkaraang ipakita ng aktres ang mga sugat at peklat na kanyang natamo bilang isang battered wife.

Sa isang statement na ipinadala ng kampo ng aktor sa Startalk, mariing pinabulaanan ng aktor ang paratang ng dating asawa.

Aniya, “Here is a truthful version of the recent Twitter post of a make-up tutorial to conceal bruises, perhaps even wounds and scars, with the allusion of the subject having been battered… The wounds and scars are definitely real, but how they were sustained is a different story altogether.”

Kasama ng statement, nagpadala rin si Raymart ng mga litrato na makikitang nakangiti ang aktres kasama ni Raymart at ng Santiago family, bagama’t hirap si Claudine dahil sa sugat mula sa post-surgery.

Nang nakaraang linggo rin, nag-post ng cryptic quotes si Raymart sa kanyang Instagram account na tila nagpapasaring sa kampo ng asawa. 

Dagdag ni Atty. Ruth Castelo, legal counsel ng aktor: “If they now claim that they never pertained to Mr. Santiago as the one who caused the battery to Ms. Barretto, then she must be somebody else’s wife, or they should start referring to her simply a battered person.”

Sa isang interview, bumuwelta naman si Atty. Ferdinand Topacio, ang abogado ni Claudine.

Aniya, “Ang masasabi ko lang kay Mr. Santiago, well he should be good enough to give his children financial support, as every good father should.”

Mga marka ng kahapon

Ayon sa wound specialist ni Claudine na si Dr. Acel Ampong-Chicano, ang aktres ang mismong lumapit sa kanya para sa bagong wound treatment na proyekto ng Department of Science and Technology. Para din daw sa proyektong ito ang naganap na photoshoot.

Maliban sa fresh wound na nakuha ni Claudine nang masunog sa paglagay ng warm compress ang kanyang mga hita, at least two years na raw ang mga galos ng aktres.

Sabi ni Dr. Chicano, “Marami ring peklat na gumaling na, gumanda na kaso lang medyo maitim lang… Pero most of the scars are very chronic na, matagal na.”

Isang buwan na raw mula nang simulan nila ang treatment ng mga sugat ni Claudine. Hindi rin daw tinanong ng doktora ang sanhi ng mga ito.

“The first time, pinakita niya lahat. Actually pinakita niya lahat ng scars and may mga sugat pa na hindi gumagaling. When I first saw it, it was caused by a sharp object kasi sobrang lalim nun at tsaka medyo malalaki. So hindi siya fine na needle…probably a large bore needle,” ayon sa doktor.

“I know that she is a showbiz personality so ayaw kong mapasali sa kung ano mang isyu ang meron siya. I just went there to treat her. You have to just treat the patient until such [a] time that she’s ready to tell me, or until such [a] time that she’s ready to come out,” paglilinaw rin niya.

The photographs are legitimate

Sa pagsusuri ng head ng UP Photographer’s Society at litratista na si Ellaine Anne Parlade, mukhang legitimate daw ang mga litrato ni Claudine.

Gayumpaman, ipinaliwanag niya na maaari pa ring mabago ang mga litrato ngayon.

“Mas nagmumukha siyang legitimate dahil nga pwedeng may nag-apply na ng cosmetics… Tapos pwede pa lalong i-enhance ‘yung wounds and ‘yung iba pa gamit ‘yung pagpopost-process," sabi niya.