TV

Ai Ai delas Alas, mas gusto na ng private na love life



Active na naman ang love life ni Ai Ai delas Alas.

Pero sa pagkakataong ito, mas gusto ni Ai Ai na tahimik lang ang kanyang personal na buhay imbes na nagiging topic ng tsismis sa magulong mundo ng showbiz.

“Akin na lang ‘yun,” ang tanging sagot niya sa mga tanong tungkol sa bago niyang inspirasyon.

Nasa “getting to know you” phase pa raw sila ng kanyang “non-showbiz” na special someone.

“Happy and tahimik. Siyempre doon tayo sa non-showbiz. Huwag tayo sa showbiz, siguradong maingay ‘yun pag showbiz,” aniya.

Hindi muna raw niya gustong i-share ang mga detalye ng kanyang bagong love life kahit “malalaman nyo rin naman iyan, e.”

“’Yung maraming tsismis tungkol sa lovelife, ayoko na nun kasi natuto na ako. Gusto ko na tahimik ang private kong buhay,” dagdag niya.