TV

Sid Lucero, itinangging may kanser ang amang si Mark Gil

Walang kanser ang beteranong aktor na si Mark Gil.

Ito ang paglilinaw ng anak niyang si Sid Lucero sa Startalk sa gitna ng kumakalat na tsismis na may kanser si Mark.

“Nonono, there’s no cancer. I’m sure if they’re really his friends they would know what’s really going on. My dad’s fine,” ani Sid.

Ayon kay Sid, naospital si Mark two years ago at binilinan ng mga doktor nito na bawasan ang pag-inom ng alak.

“And he did (cut down on drinking). Drastically in fact. And now he’s just going in and out of the hospital making sure that he’s still fine. So that’s basically what’s happening,” dagdag niya.