TV

Jamich, gagawa ulit ng music video pag recover ni Jam mula sa chemo

Malakas ang paniniwala nina Youtube viral tandem at real-life couple Jam Sebastian at Paolinne Michelle Liggayu, o mas kilala bilang Jamich, na tuloy-tuloy na ang recovery ni Jam from his battle with cancer.

Five months na mula nang ma-diagnose si Jam na may stage 4 lung cancer.

Sa huling panayam ng Startalk sa kanila, sinabi ni Jam na magkakaroon na siya ng panlimang chemotherapy session.

“After po noon, last chemo na lang, tapos okay na po ako,” aniya.

Malaki raw ang improvement ng pakiramdam ni Jam, kaya’t “hopefully po, in Jesus’ name, positive (ang aking recovery).”

Very supportive naman si Michelle sa kanyang minamahal.

“Palagi ko siyang nire-remind na kaya namin ito, hanggang paggaling niya ulit,” aniya.

Ayon kay Jam, kumukuha rin siya ng lakas mula sa kanilang followers na sumusuporta sa kanya.

“Talagang nakakataba ng puso…Gagawa kami ulit ng music video  once na gumaling ako,” pahayag niya.