TV

Heart Evangelista on having babies: “Hindi pa ako ready”

“A day at a time.”

Ito ang sinabi ni Startalk Sweetheart Heart Evangelista nang tanungin sila ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa show kung plano na nilang magkaanak pagkatapos ng kanilang kasal na gaganapin malamang sa  Feb. 14.

“Di pa ko ready. A day at a time. Magkakaroon na ako ng asawa – finally, di ba? So I will enjoy my happy ending first,” ani Heart.

“And then eventually, magkakaroon kami ng baby siguro - mga siguro fours years (after),” dagdag niya habang tawa nang tawa si Sen. Chiz na nasa tabi niya.

Pwede rin naman sigurong after three and a half years, sabi Heart, dahil, “Okay na sa kanya ‘yun. Ako naman ang manganganak.”

Pabirong sumingit si Sen. Chiz ng, “Okay lang ‘yun, nabibigla naman iyan e.”

Ayon kay Heart, gusto niya munang i-enjoy ang unang mga taon niya sa pag-aalaga sa kanyang asawa bago siya mag-alaga ng anak nila.

May dalawang anak si Sen. Chiz sa kanyang dating asawa at kasundo na sila ni Heart.

Noong una raw, nag-effort si Heart na makasundo ang mga anak ng kanyang kasintahan.

“Pero naunahan lang pala talaga ako ng takot ko. Wala akong masyadong naging problema, sobrang andali lang nilang tanggapin sa buhay ko. And they make also him so happy and they are a big chunk of his heart, so naging madali na mahalin sila,” dagdag niya.