TV

“Malambot ‘yung labi ni Dennis (Trillo)” – Kris Bernal

By CHERRY SUN

PHOTO BY CHERRY SUN, GMANetwork.com
 
“Malambot ‘yung labi ni Dennis.”

Ito ang inamin ni Kris Bernal sa ‘Lolit’s So-list’ segment ng Startalk.

Si Kris ang gaganap na leading lady ni Dennis Trillo sa upcoming action and drama series na Hiram na Alaala na magsisimula sa Kapuso network sa September 22.

Ayon din kay Kris ay masarap daw humalik si Dennis kaya’t kinakabahan at nanginginig siya sa kanilang mga eksena.

Sa nakaraang panayam kay Kris, inamin niyang nalulunod siya sa mga titig ng aktor tuwing eksena nila.

“Ang husay kasi ni Dennis eh, na artista ha. So ibig sabihin mahusay din siya humalik,” paliwanag niya kay Manay Lolit.

Sa first taping day pa lang ay nagkaroon na agad ng kissing scene ang bagong Kapuso love team. At marami pa raw silang ganitong eksena.

Ayon kay Lolit, madalas daw nililigawan ni Dennis ang mga nagiging katambal niya, samantalang na-i-in-love naman daw si Kris sa kanyang mga nagiging kapareha.

Mauwi kaya ito sa isang real-life romance?

“Pwede? Baka lang sakaling magustuhan niya ako. Malay niyo naman, di ba?” pabirong sagot ng aktres.

“Dati pa nga pag tinatanong ako kung sino ang gusto kong  maging leading man, laging kasama si Dennis. Hindi naman ibig sabihin porke’t crush ko, kami agad, di ba? Depende sa kanya ‘yun,” dugtong ni Kris.

Nilinaw rin niya na hindi nagpaparamdam si Dennis sa kanya.

“Kinakausap-kausap niya ako pero dun muna,” ani Kris.

“Mabait ako sa taping. Hindi ko siya inaakit. Siyempre, pahabol pa rin ako, Nanay (Lolit). Hindi pwedeng basta-basta rin,” paliwanag niya.