TV

Mag-amang Kylie at Robin Padilla, nababaitan kay Rayver Cruz

PHOTO BY REGINA BENGCO, GMANetwork.com

Isang at peace sa mundong Kylie Padilla ang nag-guest sa Startalk noong October 18.

Kaibigan na raw ang turing niya sa dating boyfriend na si Aljur Abrenica at bati na rin sila ni Louise delos Reyes, na na-link kay Aljur.

“Eight months na po ang nakalilipas. Ayaw ko ng may grudge,” ani Kylie kay Manay Lolit Solis ng Startalk.

Inamin ni Kylie na masaya siya sa company ni Rayver Cruz, ang kanyang co-star sa pelikulang Dilim pero hindi pa niya kino-consider na love ang nararamdaman niya para dito.

“Hindi ko po alam kung masasabing in love agad pero ini-enjoy ko ang friendship namin kasi naging maganda naman po ang samahan namin sa set,” aniya.

Nang tanungin kung kinikilig siya kay Rayver, sumagot agad ang aktres ng, “Totoo naman po iyon. Mabait (siya) eh, at saka maalaga.”

Boto naman ba ang kanyang ama na si Robin Padilla kay Rayver Cruz?

“Sabi naman po ni Papa na mabait siyang tao. Si Papa mismo ang nagsabi,” sabi ni Kylie.

Sa isang nakaraang panayam, sinabi ni Rayver na close sila ni Kylie dahil gusto niya ang pagiging bubbly, sobrang bait, maalaga at sweet nito. - RB