TV

Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, susunod nang ikakasal?

By SAMANTHA PORTILLO
 
Ipagdiriwang nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang ikatlong anniversary sa susunod na buwan.

Sina Bossing Vic at Pauleen na nga ba ang magiging usap-usapan sa 2015 dahil sa isyu ng kasal?

Pabirong sinabi ni Bossing, “Ang tagal naman ‘nun, wow.”

“Parati ko naman sinasabi ‘yun na kaya kayo nagkakaroon ng relasyon is dahil mayroon kayong gustong patunguhan dalawa. Hindi ‘yung sa edad kong ito, makikipaglaro-laro pa ako, rela-relasyon lang, hindi na, hindi naman ganoon, at saka sa edad niyang iyan,” ani Bossing sa interview ng Startalk.

May mga pagbabago bang magaganap sa kanilang relasyon?

Sagot ni Bossing, “Wala namang dapat maging change. Sana nga, walang magbabago sa aming dalawa. Kung meron man, it’s for the better.”

Wala rin bang pagbabago sa kanilang relationship status?

“Tingnan mo na lang ‘yung Facebook ko,” biro niya.

Pagpapatuloy niya, “Sa ngayon, dot-dot-dot. Alam naman ng lahat ng tao ‘yun eh, so hindi na kailangan ng status doon. It’s common knowledge anyway.”

Hindi pa man tiyak ang planong paglagay sa tahimik, masasabi ba ni Bossing na ideal wife material si Pauleen?

“Is there such a thing as ideal wife? Ideal partner, lahat na ng ideal na puwede mong i-describe, siya na ‘yun,” aniya.

Si Pauleen naman kaya, nakikita rin ba si Bossing bilang ideal husband?

Sagot niya, “Yeah, kasi match ‘yung personalities namin eh. Parang sometimes, parang effortless nga na para maging match. Naiintindihan namin ‘yung isa’t isa.”

“I think nag-swak talaga ‘yung personalities namin and I think that’s a very, very important detail pagdating sa magkarelasyon,” dagdag ng actress-TV host.

Samantala, mistulang ibinuko ni Ryzza Mae Dizon si Pauleen. Ayon sa child wonder, sinabihan daw siya ng aktres na kukunin siyang flower girl sa kasal nito.

Ano ang eksaktong sinabi sa kanya ni Pauleen?

“Secret,” sabi ni Ryzza, sabay ngiti.