TV

Mel Tiangco is a standout ninang – Heart Evangelista

By SAMANTHA PORTILLO
 
Isa si GMA news anchor at Kapuso Foundation Executive Vice President Mel Tiangco sa mga napiling principal sponsors nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa kanilang kasal sa February 15, 2015.

Ani Heart, “Isa siya sa mga character na nag-stand out sa akin, so kinakailangan talagang nandoon siya sa special day.”

Ayon kay Heart, napakabait ng veteran news personality sa kanya tuwing magkikita sila.

Aniya, “Kapag nagkakasalubong kami sa GMA, she would hold my hand and she would say something to me that would really make a difference with kung ano man ‘yung pinagdaraanan ko kaya talagang napakalaki ng impact niya sa akin.”

Ayon kay Tita Mel, isang malaking privilege at honor ang maging pangalawang magulang nina Heart at Senator Chiz.

“Nililigawan pa lang ni Senator Chiz si Heart ay wala nang katapusan ang aking mga pangaral, ang aking mga payo, ang aking mga paalala kay Heart,” ani Tita Mel.

Dagdag ni Senator Chiz, “Well, siyempre natutuwa kami na tinanggap at um-oo siya sa kahilingan namin na tumayo siya bilang isa sa mga ninang namin and we look forward to seeing her and being with her in Balesin.”

Halos kumpleto na ang wedding entourage sa kasalang Heart at Chiz at in full swing na ang kanilang wedding preparations.

Through her Instagram account, ni-reveal na rin ni Heart na ang international fashion designer na si Monique Lhuillier ang gagawa ng kanyang wedding gown.