TV

Mga magulang nina Aiza at Liza, OK lang na hindi kasama sa kasal

By MARAH RUIZ
 
Ikinasal sina Aiza Seguerra at Liza Diño noong December 8 sa Stones and Flowers Retreat House sa San Francisco.


 

 

Limitado sa 50 na panauhin ang mga dumalo sa kasal.

Ngunit sa 50 ito, hindi kasama ang ina ni Aiza na si Caring Seguerra at ang ama ni Liza sa si Martin Diño.

Hindi naman daw ito dapat bigyan ng kahulugan anang ng mga magulang ng mga bagong kasal.

Paliwanag ni Mommy Caring, "Kasi masyadong magastos. ‘Yung ginawa nila sa Amerika, gagawin din nila dito. Iba ‘yung mga ninang. Ang kinuha niya  ‘yung talagang mga kaibigan namin doon sa Amerika. So ngayon, kung gagawin dito sa Pilipinas iba naman ang mga ninong [at] ninang."

Sumang-ayon naman si Martin Diño.

"Nag-usap naman kami ng anak ko na meron namang ceremony na mangyayari dito sa Philippines. At saka very busy ako doon sa cases namin. Nag-beg off muna ako. Pero nandoon naman ang mga kapatid ko, dalawa. Saka halos lahat ng relatives ko kasama sa wedding," dagdag niya.
 
Kumusta ang buhay may-asawa?