TV

Unang magkakaanak si Marian, mabubuntis si Pauleen Luna at iba pang prediksyon para sa 2015

By MARAH RUIZ

PHOTO BY KRISTINE MANUEL, GMANetwork.com
 
Nag-guest sa Startalk ang batikang psychic na si Maricel Gaskell para magbigay ng kanyang predictions para sa showbiz personalities at pati ilang pulitiko para sa 2015.

Narito ang kanyang mga nakikita para sa susunod na taon.

Marian Rivera at Dingdong Dantes

Ang Royal Couple ang unang magkakaroon ng anak, at mauunahan nila sina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Heart Evangelista at Chiz Escudero

Maganda raw ang timing ng kasal nina Heart Chiz.

"Kung magpapakasal sila after Feb. 19, ‘yung sign ni Heart, she's Year of the Ox, hindi good for the Year of the Sheep so baka magkaroon pa ng problema," sabi ni Gaskell.

Pauleen Luna at Vic Sotto

Hindi nakikita ni Gaskell ang kasalan para kina Vic at Pauleen sa 2015. Mas posible pa raw na magkaroon sila ng anak.

Kris Aquino

Para sa love life ng Queen of All Media:  "Magiging makulay for 2015. Meron ‘yan, may special someone."

Sharon Cuneta

Sa showbiz career naman ni Sharon Cuneta, susubukan daw nitong maging active muli sa industriya ngunit hindi siya magtatagumpay.

"Ang nakikita ko talaga, by 2016 tumakbo na siya. Politics,” aniya. “Kahit away niya, nandoon eh."