TV

Sen. Grace Poe to run for president at loveless pa rin si President Aquino sa 2015?

By MARAH RUIZ



Naibahagi na ng psychic na si Maricel Gaskell ang kanyang mga prediksyon para sa ilang artista.

Heto naman ang nakikita niya para sa ilang pulitiko sa 2015.
 
Senator Grace Poe

Pakiramdam daw ni Gaskell, tatakbo para sa pagka-pangulo si Senator Grace Poe.

"Kailangan siya eh," pahayag niya.
 
President Noynoy Aquino

Wala pa rin daw magiging babae sa buhay ng Pangulo, bukod sa kanyang mga kapatid.
 
Vice President Jejomar Binay
Pagkatapos ng kaliwa't kanang issue na hinarap ng Bise Presidente, may chance pa kaya siyang manalo kung siya ay tatakbo bilang Presidente?

"Mahirap. ‘Yung sign niya, Year of the Horse and Year of the Monkey ang 2016. Mahirap na manalo siya," wika ni Gaskell.

Magkakaroon din daw si Binay ng problema sa kalusugan.
 
Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla Jr.

Ayon kay Gaskell, magiging maayos ang lahat para sa dalawang senador kung makakahanap at makikinig sila sa mga tamang tao.

"Pero hindi natin pwedeng sabihin or ma-avoid na signs play a vital role," dagdag niya.

"It just so happened na ‘yung sign ng Presidente natin kalaban talaga ng sign ng dalawa. May conflict talaga, pero maaayos if there's someboy na magme-mediate."