TV

Startalk 2014: Year of Engagements and Weddings

By MARAH RUIZ
 
Binansagan ng Startalk na "Year of Weddings and Engagements" ang 2014 sa dami ng mga ikinasal at naging engaged nitong taon.

Kasama na rito ang Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Heart Evangelista at Chiz Escudero, Isabel Oli at John Prats, pati na rin sina Aiza Seguerra at Liza Diño.



Humabol pa si Solenn Heussaff sa mga naging engaged sa kanyang Argentine boyfriend na si Nico Bolzicco noong December 11.

"Akala ko baka in a year or two years pa. It came as a surprise," pahayag ni Solenn sa Startalk.

Kailan naman nila balak magpakasal?

"Baka 2019, malayo pa," simpleng pahayag niya.

Engaged na rin si Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa architect-boyfriend niyang si Conrad Dumlao.

Marami ang nagtatanong kung kailan na ba ang kasal nila, ngunit ayon kay Zsa Zsa, hindi pa ito ang tamang panahon.

"May pressure lang this year kasi syempre ang daming na-engage, ang daming kinasal. I think it's what people want for me. Parang ikaw, alam mo ‘yung istorya ko, gusto mo ng happy ending para sa akin," pahayag niya. "Of course, I want that happy ending for myself also. Pero I think in due time it will happen."

Paano naman kaya ang magkasintahang Vic Sotto at Pauleen Luna?

Marami ang nagtatanong kung nais na nilang magkaanak.

"Hindi pa ngayon. Pag ikinasal na ko," pahayag ni Pauleen.

Sumang-ayon naman si Vic.

"Malayo pa ‘yun. Kasal muna bago baby," pahayag niya.