TV

Jennylyn Mercado, itinangging nakipag-date kay Cong. Ronald Singson

By MARAH RUIZ
 


"Ikinagulat ko, kasi hindi ko pa siya kilala."

Ito ang nasabi ni Jennylyn Mercado sa Startalk nang tanungin siya kung totoo ba ang mga bulung-bulungan na nakipag-date daw siya kay Cong. Ronald Singsong sa Boracay.

"Hindi ko pa po siya nakikita, kahit na hi-hello, never pa po," aniya.

Wala daw siyang oras dahil busy siya sa pelikula at sa soap niya, sa cooking show niya at pati na rin sa paglabas niya sa Sunday All Stars.

Wala pa raw balak si Jen na maghanap ng bagong relasyon sa panahong ito.
"Wala na muna kasi hindi pa rin naman ako handa," pahayag ni Jen.

Kamakailan lang, lumipat na sina Jen sa kanilang bagong bahay.

Bukod pa rito, magbubukas pa siya ng isang bagong negosyo sa susunod na taon.

"Naisip namin na i-open siya sa salubong ng January 15 kasi alanganin kung i-o-open namin siya ng end of this year. Maganda ‘yung pagbungad ng taon, open," ika niya.