Tatlong linggo na ang nakalipas nang mailibing ang yumaong YouTube sensation na si Jam Sebastian. Ngunit mukhang hindi pa siya magiging tunay na mapayapa dahil may nabubuo umanong alitan sa pagitan ng kanyang mga naiwan. By MARAH RUIZ
Tatlong linggo na ang nakalipas nang mailibing ang yumaong YouTube sensation na si Jam Sebastian.
Ngunit mukhang hindi pa siya magiging tunay na mapayapa dahil may nabubuo umanong alitan sa pagitan ng kanyang mga naiwan.
Ayon sa mga bulung-bulungan, may tampo daw ang ina ni Jam na si Maricar Sebastian kay Mich Liggayu, ang naulilang fiancée ng binata. Dahil daw ito sa balak ng dalaga na pumasok sa mundo ng showbiz at dahil sa pagkaka-link nito sa baguhang singer na si Neo Domingo.