TV

Jiro Manio, nais magpuntang Japan upang makilala ang tunay na ama

By ANN CHARMAINE AQUINO



Simula ng kumalat ang balitang nananatili si Jiro Manio sa vicinity ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong nakaraang linggo, nagsimula na rin ang paghahanap sa dating child actor. Ngunit marami ang nagtatanong kung bakit sa airport niya napiling manatili.

READ: Aiai Delas Alas begins search for Jiro Manio
 
Sa Startalkipinahayag ng tumatayong ama ni Jiro na si Andrew Manio ang kagustuhan ng batang aktor na magpunta ng Japan para makilala ang kanyang ama na si Yusuke Katakura. Nakausap umano nila ang lola ni Jiro ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay hindi na nila ito ma-contact.
 
"Depressed siya sa lola niya, dahil umaasa siyang matutulungan siya ng lola niya," ani Andrew.

LOOK: Then and Now: Jiro Manio
 
Dagdag pa niya, "Hindi na namin nako-contact 'yung lola niya dahil binigyan kami ng wrong number. Hindi namin ma-contact ni Jiro. Dahil sabi ng Tita niya, huwag mo ng pakialaman sila Jiro, malaki na sila."
 
Marahil ang pangakong ito ang nagtulak kay Jiro na magpunta sa airport.
 
READ: Jiro Manio hindi pa rin umuuwi sa kanila