TV

Live-in partner ng Universal Motion Dancer na si Marco McKinley, nagsalita na

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Sa isang exclusive interview sa Startalk, nagbigay na ng saloobin ang live-in partner ni Marco McKinley na si Margaux Montano tungkol sa kanilang relasyon.
 
READ: Dating Universal Motion Dancer umaming binubugbog ng kanyang live-in partner 
 
Ayon kay Margaux, kinailangan na niyang magsalita dahil nahihirapan na siyang maghanap ng trabaho at naaapektuhan na ang kanilang pamilya sa issue ng kanilang pagsasama. Aniya, "Ito ay alang-alang sa mga anak namin, mga anak niya at anak ko. Hindi na dapat ito binubuksan ng ganyan at saka ang dami-dami nang nadamay. Lalong lalo na 'yung pamilya ko. Lumabas ako hindi para sa akin, para sa pamilya ko kasi sana hindi na lang sila nasasali kasi dito lang ako kumikita eh. Kasi ako lang ang bumubuhay sa anak ko."
 
Buwelta ni Margaux sa mga paratang sa kanya ni Marco na tila na-i-insecure daw ito sa kanyang mga anak, "Disciplinarian po ako kasi, single mother ako eh."
 
Dagdag ni Margaux ilang ulit na raw itong nangyayari sa kanilang pagsasama. Pahayag niya, "Panglimang beses na 'to. Itong panglimang beses na 'to, 'yung pang-apat hinahayaan ko lang na mawawala din 'yan. Pero this time hindi eh, ang daming nangyari na pareho kaming nasaktan. Hindi ko alam kung ano'ng state of mind niya at the moment."
 
Ayon kay Margaux, mahal niya pa rin si Marco pero mas pinipili na lamang niyang huwag bumalik sa kanyang live-in partner. 
 
"Mahal ko siya, [pero mamahalin ko na lang] siya ng malayo. Ayoko kasing makita 'yung isang tao na mahal mo na nandoon ka [habang] dini-destroy niya 'yung sarili niya.
 
"Masakit kasi mahal ko nga siya. Minahal ko siya, 13 years old pa lang kami, kami na dati. Si Marco sobrang nakakatawa siya kasama. Kahit wala na kayong makain, wala na kayong pera, naglalakad lang kayo [masaya pa rin]," saad ni Margaux.