TV

Prime time Queen Marian Rivera, sweet nga ba?

Darna, nakisisid tayo sa pusod ng karagatan sa Dyesebel, nasaksihan natin ang pakikipagdigma niya sa Amaya,  at sabay-sabay tayong sumusubaybay sa My Beloved kung saan siya ang gumaganap na Sharina. 
 
Ngunit tuwing Linggo, ang Kapuso Prime time Queen ay nagpapatawa naman sa kanyang pinakabagong dramedy series dito sa GMA Network, ang Tweets for my Sweet
 
Sa kanyang pagbisita sa Startalk TX last May 5,sinagot ni Marian ang mga intriga sa isang interview with hosts Joey De Leon, Lolit Solis at Butch Francisco.
 
Joey de Leon: Totoo bang mas komportable kang gumawa ng comedy shows/series dahil sa tunay na buhay ay komedyana ka?
Marian: Totoo po yan!  Kasi Kapag comedy yung ginagawa mo, very light lang eh. Masaya lang... Para sa akin po mas gusto kong magpatawa at mas okay sa akin ‘yun. Although, ‘yung drama gusto ko rin ‘yon, pero kailangan kasi pag-iyakan ‘yung scene, may motivation, kailangan talagang nag-iinternalize kaya mabigat siya. Di katulad ‘pag comedy masaya lang!
 
Butch Francisco: Dahil Tweets for my Sweet, ang title ng bago mong dramedy sa GMA, ikaw ba masasabi mo na sweet ka bilang nobya?
Marian: Natawa lang talaga ako? Hindi lang bilang ganyan (nobya), kundi pati sa mga mahal ko sa buhay, sa mga magulang ko, sa inyo (Startalk TX)  at sa mga fans. Kung kay Dong (smiles) di na itinatanong yan, kasi given na ‘yan eh.
 
Lolit Solis: Sa Malaysia, sa isang press con, itinanong daw kung nag-propose na sa ‘yo si Dingdong. Ang sagot naman ni Dingdong ay pinagpe-pray niya pa. Kung sa prayers niya ay nasagot na kailangang mag-propose na siya, ano ang isasagot mo sa kanya? 
Marian: Madami pa rin kasi akong gustong gawin, at dadating din naman diyan. Siguro kung dumating, ay sa tamang panahon. Pero hindi muna sa ngayon.  Madami pa kasing mangyayari eh. 
 
Butch: Kailan naman yung panahon na iyon? 
Marian: Ipagdadasal ko din, dahil naniniwala ako na isa ito sa mga bagay na di madalian at kailangang pinag-iisipan kahit mahal mo ang isang tao. Kailangan alam mo ang magiging resulta. 
 
Joey: Ang character mo daw sa Tweet for my Sweet ay mahilig magluto. Ayon sa mga sources, balak mo daw pumasok sa isang culinary school. Totoo ba ito? 
Marian: Hilig ko kasi talaga magluto, at sana  after Amaya ay papasok talaga ako sa school. Pero syempre, binigyan ako ng pagkakataon ng GMA at isa pang blessing sa akin ang My Beloved kaya di ko siya nagawa pero given a chance, baka after My Beloved ay makakapasok na ako. 
 
Kitang- kita ang excitement ni Marian sa kanyang new show na Tweet for my Sweet dahil sa natural comedienne ito at love rin niya ang pagluluto. Ayon pa sa dalaga, she likes cooking for real-life sweetheart Dingdong Dantes, kaya't sure siya na kung gaano siya ka-sweet sa nobyo, ay magiging ganun din ang role niya sa new dramedy series. 
 
Panoorin si Marian Rivera sa kanyang sweet comeback sa pagpapatawa sa first-ever dramedy series ng GMA Kapuso Network, ang Tweets for my Sweet, every Sunday, after 24 Oras Weekend.