TV

'Stolen Life' starring Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion, inaabangan ng netizens

By Maine Aquino

Exciting at kaabang-abang daw ayon sa netizens ang pagbibidahang serye nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion na Stolen Life.

Noong Martes, September 19, ipinakita na ang unang teaser ng serye.

Ang Stolen Life ay ang bagong handog ng GMA Afternoon Prime na tungkol ito sa isang babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.

Gagampanan ni Carla ang karakter na Lucy, si Beauty naman bilang Farrah, at si Gabby ay mapapanood bilang Darius.

Ayon sa netizens na nag-comment sa post ni Gabby ng teaser ng Stolen Life, "Wow can't wait" at "Wowww excited n kmi napanood."

Sa posts naman ng GMA Network sa social media ay nag-react ang ilang netizens ng "Mukhang kaabang abang to GMA" at "Nku abangan q to. maganda to stolen life"


PHOTO SOURCE: Facebook/ Instagram/ YouTube

Mapapanood na ang Stolen Life sa November 2023 sa GMA Afternoon Prime at sasailalim sa direksyon ni Jerry Sineneng.