
Isang bagong drama na may kakaibang tema ang pagbibidahan ni Gabby Concepcion sa GMA Afternoon Prime na Stolen Life.
Simula November 13, mapapanood natin si Gabby bilang Darius sa Stolen Life.
Ang Stolen Life ay iikot sa tema ng astral projection. Ito ay ang kakayahang makapaglakbay ng kaluluwa ng isang tao mula sa pisikal na katawan. Sa kuwento ng Stolen Life, ang may kakayahang ito ay sina Lucy (Carla Abellana) at Farrah (Beauty Gonzalez).
RELATED GALLERY: Meet the cast of 'Stolen Life'
Si Darius ay mapagmahal na asawa ni Lucy. Ngunit dahil sa inggit ni Farrah kay Lucy, gagamitin niya ang astral projection para makuha ang magandang buhay nito at kaniyang asawa na si Darius.
Sa teaser ng Stolen Life ay ipinasilip ang haharapin ni Darius na mga pagsubok dahil sa astral projection. Makikilala niya pa kaya kung sino ang kaniyang tunay na asawa?
Abangan ang pagganap ni Gabby bilang Darius sa world premiere ng Stolen Life sa November 13.
Tampok sa Stolen Life ang pagganap nina Carla Abellana at Beauty Gonzalez bilang Lucy at Farrah. Kasama sa aabangang cast ng Stolen Life sina Celia Rodriguez bilang Azon, Anjo Damiles bilang Vince, Divine Aucina bilang Joyce, Lovely Rivero bilang Belen, Juharra Zhianne Asayo bilang Cheska, at William Lorenzo bilang Ernesto.
Mapapanood ang Stolen Life sa GMA Afternoon Prime simula November 13, 3:20 p.m. sa GMA Network.