GMA Logo Beauty Gonzalez, GMA Regional TV
Source: gmaregionaltv (IG)
What's on TV

Beauty Gonzalez, aminadong kumplikado ang role sa 'Stolen Life'

By Kristian Eric Javier
Published December 7, 2023 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez, GMA Regional TV


Kahit kumplikado, masaya naman si Beauty Gonzalez sa role niya sa 'Stolen Life.'

Aminado ang Kapuso star na is Beauty Gonzalez na hindi naging madali ang role niya sa drama fantasy series na Stolen Life, at inilarawan ito bilang komplikado.

“Komplikado in a way na I have to prepare twice kasi dalawang character ginagampanan namin dito ni Carla (Abellana), Lucy and Farrah,” pagbabahagi ni Beauty sa kanyang interview sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV.

Dagdag pa ni Beauty, bukod sa kailangan niyang paghiwalayin ang dalawang karakter na ginagampanan nila ay kailangang nasa set din siya para panoorin kung paano kumilos si Carla para kopyahin ito.

“It's really hard, but nothing fun comes easy. Masarap 'yung pinaghihirapan mo at nakikita mo sa TV na ang daming natutuwa sa performance mo,” sabi ng aktres.

Pagbabahagi ni Beauty na kahit pa first time niya sa isang role na kinokopya ang pagkatao ng iba ay masaya siyang gawin ito. Pero ibinahagi rin niya na meron pang mas masaya sa kanila.

“Actually nga, si Gabby (Concepcion) ang pinakamasaya dito 'cause he has two Beautys and two Carlas. Para siyang si Gabby na lang 'yung nagiging anchor namin e,” sabi ni Beauty.

“Sinabi ko nga 'to sa presscon, parang siya 'yung Dear Heart namin,” dagdag pa nito.

BALIKAN ANG REMARKABLE ROLES NI BEAUTY SA GALLERY NA ITO:

Dahil tungkol sa astral projection ang kanilang serye, tinanong si Beauty kung sinong sikat na personalidad ang gusto niyang ma-astral project into. Ang sagot ng aktres, “Gusto ko tatlo para exciting naman.”

Ayon kay Beauty, ang unang gusto niyang mapasok na katawan ay si Vilma Santos dahil idol niya ito.

Paliwanag ni Beauty, “I like the way her career is, 'yung mga movies niya, I'm a fan and how she translate it into politics nung naging [governor] siya sa Batangas.”

“And she has a wonderful family, wonderful kids. I wanna know paano niya nagawa 'yun,” dagdag ng aktres.

Ang ikalawang personalidad na gusto niya ay ang artist na si Frida Kahlo. Bilang art enthusiast, nakahiligan ni Beauty ang art pieces na ginagawa nito.

“Lastly, I wanna be Madonna 'cause she's fun! And she's like an innovator. She walks the talk,” pahayag niya.

Panoorin ang buong interview ni Beauty dito: