GMA Logo Stolen Life
What's on TV

Finale ng 'Stolen Life,' umani ng papuri sa mga manonood

By Maine Aquino
Published March 2, 2024 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Stolen Life


Nagpasalamat ang mga manonood sa magandang pagtatapos ng 'Stolen Life'

Puno ng paghanga ang mga manonood sa finale ng Stolen Life na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.

Kahapon, March 1, ipinalabas na ang huling episode ng tinututukang GMA Afternoon Prime drama.


Ipinakita rito na naging payapa na ang pamilya nina Lucy at Darius at magkakaroon na rin sila ng ikalawang anak. Samantala, nagkabati naman sina Lucy at Farrah. Isa na ring mental patient si Farrah.


Sa pagtatapos ng kuwento nina Lucy, Farrah, at Darius ay umani ng papuri ang GMA Afternoon Prime serye pati na rin ang mga taong bumuo ng Stolen Life.

Saad ng isang netizen, "Isa sa mga diyamanteng teleserye ng GMA. Grabe, lost [for] words kung paano i-describe ang galing ni Carla at Beauty. This show deserves a recognition!"

Sina Carla, Beauty, Gabby, at direktor ng Stolen Life na si Direk Jerry Lopez Sineneng ay pinuri naman ng isang manonood.

"Naiiyak naman talaga ako! Akala ko hindi na magsisisi si Farrah sa mga ginawa niya pero nanaig pa rin ang kabutihan sa puso niya. Mami-miss ko ito at ang galing-galing nila Carla Abellana, Beauty Gonzalez at Mr. Gabby Concepcion at ang ibang mga cast. Ang galing din ni Direk Jerry Lopez Sineneng at ang bumubuo ng palabas na ito more blessing to come for everyone. Goodbye Stolen Life"


Ang isa namang viewer, nagpaaalam sa kaniyang paborito ng show at nagpasalamat din sa mga taong bumuo ng Stolen Life.

"A farewell to my favorite show Salamat sa lahat ng saya, iyak, takot, kaba at excitement na binigay nyo saming lahat. Maraming salamat sa writer, producer, mga direktor, casts and to all staff & GMA sa pagproduce ng isang napakagandang teleserye. Invested at na attached ako dito dahil naging part na to ng routine ko for several months Mami-miss ko to ng sobra. Maraming salamat sa lahat"

Ang pagganap nina Carla at Beauty bilang Lucy at Farrah naman ang binigyan ng papuri ng isang netizen.

"Seeing Beauty go wild on her lines is a breath of fresh air. Napakagaling niya dito! Carla also proved through this series that she's worthy of kontrabida roles, nakakatakot din siya manindak. Congrats on the successful run, Stolen Life!"

Balikan ang finale ng Stolen Life dito:



Maaari ring balikan ang full episodes ng Stolen Life dito: