IN PHOTOS: Ang bagong pag-asa ni Joyce sa 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye'

Mga Kapuso, nasilayan n'yo ba ang mga nakaraang kaganapan sa 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye?'
Bilang pagbabalik-tanaw, nasa stage four na ang breast cancer ni Joyce (Klea Pineda) at mayroon siyang 22 percent na survival rate ayon kay Dr. Darla Delos Reyes (Shermaine Santiago). Dahil dito, unti-unti nang nawalan ng pag-asa si Joyce na mabuhay ngunit patuloy na lumalaban ang kanyang pamilya.
Nakiusap si Nay Susan (Snooky Serna) kay Victoria (Lauren Young) kung maaari bang alagaan muna ni Bruce (Jak Roberto) si Joyce para patuloy na lumaban ang huli sa kondisyon nito.
Link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/stories_from_the_heart/82819/lauren-young-bilib-sa-pag-arte-ni-klea-pineda-sa-stories-from-the-heart-never-say-goodbye/story
Para maisalba ang relasyon nilang mag-asawa, pumayag si Victoria na ipahiram muna si Bruce kay Joyce hanggang sa mga huling araw nito.
Ibinahagi rin ni Dr. Darla ang isang magandang balita kay Joyce na mayroong alternative treatment na nasa clinical trial pa lamang na maaaring makapagpagaling sa huli ngunit hindi agad pumayag ang huli rito.
Isang nakakakilabot na premonition naman ang gumising kay Joyce nang makita ang sarili niyang nakahimlay sa kabaong at pinaglalamayan. Dahil dito, pumayag na siyang sumailalim sa clinical trial na maaaring maging lunas sa kanyang sakit.
Muling silipin ang mga eksena noong ikalimang linggo ng 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' rito.






