
Ibinahagi ni actress Lauren Young na napabilib siya sa acting skills ng kanyang co-star na si Klea Pineda sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Sa drama mini-series na ito, ginagampanan ni Lauren ang karakter na si Victoria Flores, ang legal na asawa ni Bruce Pelaez (Jak Roberto). Gumaganap naman si Klea Pineda bilang ang dating nobya ni Bruce na si Joyce Kintanar.
“Napabilib ako kay Klea. Mostly because it's my first time ever working with her and seeing her act,” pagbabahagi ni Lauren sa eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.
Ayon kay Lauren, naging magaan at madaling gawin ang mga eksena nila ni Klea dahil mapagbigay na aktres daw ang huli.
Aniya, “Hindi kasi ako nanonood ng TV gaano. So, I wasn't sure what to expect with her but when we did our scenes and lahat ng scenes namin together are mabigat, sobrang dali lang.
“Sobrang at ease ako and she was very giving as an actor. She would listen [and] she would react based on what I was doing. So, it was such a fun collaboration with her.”
Ang isa sa mga matitinding eksena nina Lauren at Klea ay ang unang pagkikita ng kanilang mga karakter na inilabas noong nakaraang linggo. Sa katunayan, umani pa ito ng iba't ibang hugot mula sa netizens.
Mga Kapuso, huwag n'yong palampasin ang finale week ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye simula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, muling balikan ang mga eksena noong ikaapat na linggo ng Never Say Goodbye sa gallery na ito.