advertisement
TV

Stories from the Heart: The End of Us: The Finale

1 of 13

Quick escape

Dahil sa stressful na annulment trial, minabuti ni Maggie na magbakasyon muna at bumalik sa cabin upang makapagpahinga. Lingid sa kaniyang kaalaman na darating din pala doon si Jeffrey upang makapagbakasyon din.

2 of 13

Escape from an escape

Hindi matiis ni Maggie na muling makasama si Jeffrey kung kaya't kahit bumabagyo ay siya na mismo ang nagkusang umalis ng cabin. Pero malakas ang ulan at marami nang nagtumbahan na sanga ng puno sa daan kung kaya't hindi rin siya makaalis. Sinundan siya ni Jeffrey upang ayain na bumalik sa cabin.

3 of 13

New Year

Kinabukasan, sabay na nilinis nina Maggie at Jeffrey ang mga kalat na iniwan ng bagyo. Dito na rin sila inabutan ng selebrasyon ng bagong taon kung kaya't wala silang magagawa kundi ang magkasamang salubungin ito.

advertisement
4 of 13

A night to remember 

Nakuha ni Jeffrey ang wine na itinabi nila noon para sana sa kanilang 25th anniversary, laking tuwa naman ni Maggie na makita ito kaya't excited siya na matikman ang alak. Dahil sa kalasingan, matapang na ipinaramdam ng dalawa ang natitirang pagmamahal sa isa't isa.

5 of 13

One night affair

Nagising si Maggie na magkatabi na sila ni Jeffrey sa iisang kama, walang pang itaas na damit si Jeffrey at siya naman ay nakapantulog na rin.

6 of 13

The wife becomes the mistress

Mas lalo pang tumindi ang tensyon nang biglang dumating si Eunice sa cabin at naabutan silang magkatabi ni Jeffrey. Galit na galit si Eunice na makita na muling magkasama ang mag-asawa na kaniyang pinaghiwalay.

advertisement
7 of 13

The truth 

Umalis si Maggie at iniwan na si Jeffrey kay Eunice. Ngunit naging totoo na rin si Jeffrey sa totoo niyang nararamdaman kung kaya't sinabi niya kay Eunice na hindi niya ito mahal at si Maggie pa rin ang kaniyang pipiliin.

8 of 13

Reality hits

Nang makabalik na si Maggie sa kaniyang kapatid na si Wendy, ikinuwento niya ang mga nangyari sa kanila ni Jeffrey. Dito na natauhan si Maggie sa mga naging desisyon niya sa buhay at sa relasyon nila ng dating asawa.

9 of 13

Maggie and Jeffrey are now annulled 

Matapos ang madugong trial, ibinaba na ng korte ang desisyon na pagpapawalang bisa ng kasal nina Maggie at Jeffrey ngunit tila hindi natuwa ang huli sa balitang ito.

advertisement
10 of 13

Eunice and Jeffrey no more

Tuluyan nang tinapos ni Jeffrey ang ugnayan nila ng kaniyang mistress na si Eunice. Labis naman ang sakit na iniwan nito para sa huli.

11 of 13

Siblings 

Hindi naman sinukuan ni Javier ang kaniyang Ate na si Eunice. Na-realize din ni Eunice na si Javier na lang ang natitira niyang pamilya at kakampi matapos siyang iwan ni Jeffrey.

12 of 13

A second chance

Sa harap ng puntod ng ina ni Maggie, inamin na ni Jeffrey na mahal na mahal niya pa ang una at humingi ito ng isa pang pagkakataon dito.

advertisement
13 of 13

The beginning of us 

Bumalik sa cabin sina Maggie at Jeffrey at magkahawak kamay na sinalubong ang kanilang bagong simula.