TV

Klea Pineda talks about adjustments in doing a heavy drama series

By Dianne Mariano

Ibinahagi ni Kapuso actress Klea Pineda ang adjustments na ginawa niya para sa nalalapit na mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

Sa naganap na grand media conference ng show kahapon, October 11, tinanong ang aktres kung gaano ba kahirap ang mag-adjust sa heavy drama at ano ang kanyang naramdaman sa pagiging bald o kalbo sa series na ito.

“Actually hanggang ngayon, nag-aaral pa [rin] ako para magkaroon pa [rin] ako ng knowledge pagdating sa acting ng heavy drama dahil naniniwala ako na ang buhay talaga kailangan open ka na matuto sa lahat ng bagay. Kailangan open 'yung puso mo at 'yung isip mo sa mga payo o advice na ibibigay sa'yo ng mga matatagal na sa industriyang ito,” pagbahagi ng aktres.

Ayon kay Klea, pinaka-goal din niya ang maging mahusay sa drama sa entertainment industry.

Wika niya, “Actually 'yun naman talaga 'yung goal ko [rito] sa industry, ang maging [mahusay sa drama] kumbaga. 'Yon yung pinaka-goal ko at gusto kong mangyari sa career ko.”

Naging malaking tulong din kay Klea ang pagiging kalbo niya para sa nalalapit na series na ito.

Aniya, “Wala naman problema sa akin (ang pagiging kalbo) kasi malaking tulong din siya pagdating sa mga eksena lalo na sa sarili ko dahil mas nafi-feel ko na mayroon talaga akong sakit. Mas nafi-feel ko 'yung nafi-feel ng character ko nung nalagyan na ako ng prosthetics. Wala naman problem sa akin na hindi magmukhang maganda or presentable sa harap ng camera as long as ginagawa ko 'yung trabaho ko bilang aktor, ginagawa ko 'yung parte ko bilang Joyce sa character ko. Okay 'yon sa akin.”

Gaganap si Klea bilang si Joyce Kintanar sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye at makakasama niya rito sina Kapuso hunk Jak Roberto (Bruce Pelaez) at Lauren Young (Victoria Flores) bilang mga pangunahing karakter.

Kabilang din dito sina seasoned actress Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Luke Conde, Shermaine Santiago, Kim Rodriguez, Mosang, at Phytos Ramirez.

May special participation naman sina actors Art Acuna at Joshua Zamora sa mini-drama series na ito.

Abangan ang world premiere ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa darating na October 18, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan ang mga nakatutuwang mensahe ni Klea Pineda para sa Team Never Say Goodbye dito: