TV

Kelvin Miranda signs off as Marcus Villareal

By Nherz Almo

Nagpasalamat ang binatang aktor na si Kelvin Miranda sa pagkakataong ibinigay sa kanya para gampanan ang karakter ni Marcus Villareal sa katatapos lang na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

Sa kanyang Instagram post kahapon, October 15, sinabi ni Kelvin, "Isang karangalan para sakin ang mabigyan ng oportunidad at gumanap bilang si Marcus Villareal. Hindi ko lubos maisip na ito pala ang magbibigay at magpapalakas ng aking loob. Nanumbalik ang paniniwala sa sarili dahil sa mga taong naniwala sa aking kakayahan at pagpaparamdam ng pagmamahal sa karakter na aking ginampanan. Wala akong ibang hangad kundi gumanap ng iba't ibang karakter na aking bibigyang kulay at buhay sa abot ng makakaya."

Sa pamamagitan umano ng "Loving Miss Bridgette," naipalala ni Kelvin sa sarili na hindi siya dapat panghinaan ng loob.

Aniya, "Maraming naihatid na karunungan sakin itong proyektong ito at hindi lang dun kasama ang mga taong kasama ko dito. Araw araw akong lumulubog dahil sa sarili kong kahinaan, ngunit sa tuwing nakikita ko kung paano sila mag trabaho at kung gaano sila ka dedikado sa kanila mng ginagawa yun ang nagbibigay linaw na hindi ako dapat mawalan ng kompiyansa at daoat ko pang pagbutihan ang aking ginagawa"

Nagpasalamat din ang aktor sa kanyang mga masugid na tagahanga, "Kasama narin ang mga sumusuporta mula simula hanggang sa wakas, halo halo ang aking nararamdaman sapagkat napaka bilis ng panahon, wala tayong magawa kundi sumabay sa pagikot ng mundo at matuto ng matuto ng matuto at tumanggap na ang katotohan ang mananatiling panalo hanggang sa dulo!"

Sa huli, opisyal nang nagpaalam si Kelvin kanyang karakter na si Marcus.

Aniya, "Ako po si Kelvin miranda at lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat! At bilang Bilang Marcus Villareal sana ako'y manatili sa inyong mga puso at isipan na at magsilbingbing inspirasyon. Nagpapaalam ngunit hindi ito ang katapusan. Hanggang sa muli.

"Marcus Villareal is now signing off!"

Samantala, kilalanin pa si Kelvin sa gallery na ito: