TV

Stories from the Heart: Ang pagtatapos ng 'Loving Miss Bridgette'

By Marah Ruiz

Sa ika-lima at huling linggo ng Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, makukuha ba nina Marcus (Kelvin Miranda) at Bridgette (Beauty Gonzalez) ang kanilang happy ending?

Tutuldukan na ni Bridgette ang relasyon nila ni Marcus at magpapakalayu-layo.

Gigipitin naman ni Stella (Bing Loyzaga) si Bridgette na naghahanap ng bagong trabaho matapos ma-terminate sa university.

Dahil sa hinagpis, maaaksidente si Marcus pero paggising niya, isang sulat mula kay Bridgette ang naghihintay sa kanya.

Panoorin ang highlights ng ika-lima at huling linggo ng Loving Miss Bridgette.

Bridgette breaks up with Marcus

Stella, gigipitin si Bridgette!

Nawawala si Marcus!

Marcus' critical condition

New beginnings for the old lovers

Samantala, tumutok sa Never Say Goodbye, ang pangalawang kuwento mula sa afternoon drama anthology na Stories from the Heart, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.