GMA Logo Stories from the Heart Love On Air trending
What's on TV

Pilot episode ng 'Stories from the Heart: Love On Air,' nag-trending sa Twitter PH

By Jimboy Napoles
Published November 29, 2021 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Stories from the Heart Love On Air trending


Mabilis na nag-trending ang pilot episode ng 'Stories from the Heart: Love On Air' sa Twitter Philippines ngayong Lunes, November 29.

Mainit ang naging pagtanggap ng Kapuso viewers sa pilot episode ng Stories from the Heart: Love On Air na pinagbibidahan ng real-life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Pasok sa Top 5 Twitter Philippines top trending list ang #LOANowAiring ngayong Lunes, November 29.

Nakilala na ng netizens ang raketerang si Wanda o Miss Wonderful na ginagampanan ni Gabbi Garcia at ang dedicated radio host na si DJ Joseph na ginagampanan naman ni Khalil.

Sa unang araw pa lang, ipinakita na ang nakakakilig na eksena at pagtatagpo nina Wanda at Joseph na nagpaingay sa maraming Kapuso viewers lalo na ang GabLil fans na hindi napigilang i-post sa Twitter ang kanilang mga reaksyon.

May isang netizen ang nakakarelate daw sa mood ni Wanda. Habang ang isang fan, nag-selfie pa sa kanilang TV, habang nanonood ng Love On Air sa GMA.


Ito ang first Kapuso series ni Khalil kaya naman nagpakita rin ng suporta ang aktor sa world premiere ng kanilang programa kasama si Gabbi at ang isa rin sa cast ng series na si Psalms David sa Twitter.

Mapapanood ang Stories from the Heart: Love On Air, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos ng naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air: