TV

3 questions to be answered in ‘Strawberry Lane’ finale tonight

By AL KENDRICK NOGUERA

Ngayong araw na ang pinakaabangang pagwawakas ng Strawberry Lane. Para hindi ninyo palampasin ang Telebabad soap, naghanda ang GMANetwork.com ng tatlong tanong na masasagot sa finale episode mamayang gabi.

Matutuloy ba ang plano ni Monique?

Akala ng lahat ay nanahimik na si Monique ngunit nagkamali sila. After three weeks, bumalik si Monique sa kumpanya na may dalang bomba para pasabugin ang planta. Dahil siya raw ang nagpakahirap sa kumpanya, gusto niyang tapusin ang buhay niya kasabay ng pagbagsak nito. Siyempre, idadamay niya si Elaine dahil gusto niya pa ring makapaghiganti sa kapatid.

May pag-asa pa kayang magkaayos sina Monique at Elaine?

Huli na ang lahat bago pa mapagbati ni Richard ang kanyang mga kapatid na sina Monique at Elaine. Lumala pa ang alitan ng dalawa mula nang mamatay ang kanilang ina. Dahil puro paghihiganti na lang ang nasa isip ni Monique kay Elaine, hindi na siya magawang pigilan pa ng kahit na sino. Sukdulan na ang kasamaan niya dahil pati ang kapatid ay kaya niyang patayin. Wala na nga bang pag-asa para sa magkapatid?

Happy or sad ending?

Sa kabuuan, ano nga ba ang kahihinatnan ng pagwawakas ng Strawberry Lane? Sina Kim Rodriguez at Joanna Marie Tan mismo ang nagsabi ng mga dapat abangan sa finale ng Telebabad soap. Panoorin ang video na ito.



Huwag palalampasin ang pagwawakas ng Strawberry Lane, mamayang gabi na after More Than Words sa GMA Telebabad.